nakakapangilabot ang kalungkutan
kinuntyaba pa ang lamig sa gabi
wari ayaw pahingahin ang hinahapong puso
pinaparamdam ang tila nyebeng pananabik
walang katagang makakapaglarawan sa pighati
isang daang porsentong dinudurog ang sarili
sa paghahanda ng pananatili
diwa ko'y napuno ng iyong ngiti
binabangungut ng matatamis na alaala
pinaparusahan marahil ang lapastangang dila
hindi mapatotohanan ang kutob
binubulabog ang dikta ng dapat na pagkilos
Aug 9 2009
Tuesday, January 3, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment