Monday, August 31, 2009

First time



May 30, 2009 Nasugbu Batangas.My first skim trip with Alon Skimboarding Club. I got stoked, I found some new kickass friends, who literaly brought me back to life. The start of a new lifestyle. Lifestyle that fullfils every craving and yearning.

Friday, August 28, 2009

Bulong: matapos ang isang taon

Bulong: matapos ang isang taon
Naagnas ang aking diwa bunsod ng kirot
kirot na dinulot ng pananabik sa iyong mga halik
Nagdadalamhati ang mga unan sa aking silid
Tumatapon ang luha habang binabalikan ang banayad mong dampi

Binusalan ng patlang ang bawat pagdadaop
Embudong sinsala ang nginig ng kalamnan
Pinipigtal ang dilang sasambit sa nakabaong kalungkutan
Pinatsehan ang balisang nag uurirat sa simoy ng nakaraan

Wangis mo'y dahong tumitimpla sa aking pagkain
Pinabubukadkad ang kalaliman ng tinaklubang usig
Hinatulan ng bagyo ang bawat pagtanaw
Tinatarakan ng apoy ang pag-antabay sa kaligayahan

Tinuklas ng iyong titig ang mapusyaw kong anino
Payak ang pagrehistro sa estasyon ng paghinto
Pinababalik, nanunumbalik at nagpapaikot ikot lamang sa iyong ulap
Walang hanggang pagkauyam sa tinig ng ulan

March 30 2009

Wednesday, August 26, 2009

sa bawat araw

Gumising. Tumingin sa relo. Pumikit muli. Tumingin muli sa relo. Bumangon. Tumingin sa salamin. Uminom ng tubig. Tumingin muli sa salamin. Kumuha ng tuwalya. Pumasok sa banyo. Nanigarilyo. Nagmunimuni. Naligo. Nagbihis. Nagpalit ng tatlong beses. Nakuntento. Tumingin sa telepono. Tumingin sa relo. Nanalamin muli. Sinalpak sa bag ang mga gamit. Lumabas ng pinto. Naglakad papunta sa kanto. Nagintay ng taxi. Sumakay. Nakinig sa ipod. Nagayos ng sarili. Tumingin sa telepono. Pumara. Bumaba. Dumeretso sa mini stop. Bumili ng inumin. Naupo sandali. Nag palipas ng oras. Bago mag alas syete, umakyat sa opisina. Walong oras. Paulit ulit. Isang oras na lunch. dalawang labing limang minutong break. Walong oras. Uuwi.Uuwi. Maghihilamos. Hihiga. Matutulog. Bukas ganito ulit. Bukas ganitong ganito ulit. Ito ang buhay. Buhay ng mga patay.

Tuesday, August 25, 2009

Mula sa walang magawa

Hindi ako manunulat. Lalong hindi ako makata. Isa lamang akong batang nakahanap ng kalinga mula sa mga titik at letra. Isang babaeng namamanghaa sa mga kahulugan ng pinagsama samang salita. Mga salitang nagsasalarawan sa emosyon. Salitang nagbibigay buhay sa lahat ng bagay at panahon.

Isa akong mangingibig. At iniibig ko ang mahika na dinudulot ng bawat kataga.

Ang pamamaalam

Ang pamamaalam

Hindi ko alam paano muling magsisimula.Wala ng calltime.Nag black out na ng tuluyan ang kwento ko sa orosman. Akala ko'y hindi na muli akong maakit sa nakakasilaw na liwanag sa loob ng tanghalan,ngunit bumalik akong umiibig sa kumpleksyon ng entablado.Sa loob ng ilang buwan, iniwan ko ng lubusan ang buhay na kinasanayan.Hindi ko ito pinanghinayangan.Hinayaan kong liparin ang sarili ng hinuhulmang kasaysayan. Hinayaang sila muna ang lumaban para sa bayan. Namukadkad muli ang pasyong noon pa may nakatanim na sa akin.At sa yugtong ito, emosyanal na akong lilisan.Hindi tulad ng dati'y wala na akong balak na lingunin pa ang paikot na hagdan.Bago pa man ang lahat, nag desisyon na akong talunin ang bakod na humihiwalay sa tunay kong mundo.Solido pa rin ang pasya ko sa ngayon, ngunit nabigyan ako ng rasong wag kalimutan si Guerrero.

Paalam, ngunit alam kong umiibig parin ako saiyo at sa mga taong nagpanumbalik ng iyong kislap.Salamat Dulaan.