Dumausdos na ang piso
Nagliparan pabalik ang mga eroplano
Dala'y kabaong ng libong Angelo
Ngumiti lamang ang pangulo
Hindi na kumatok si Sam
Inubos ang nakahain sa hapagkainan
Dinuraan pa ang bakuran
Habang Pinakekembot ang maraming Marian
Naglipana ang mga litrato ng mga pulitiko
May kalakip na mahalagang anunsyo
"Labanan ang kahirapan,
Kamote'y pagtiisan"
Pinakawalan ni Ding ang bato
Magsasaka'y naging kalburo
Umangal sa platong nakatiwangwang
Subalit sa boxing parin inasa ang kaginhawaan
March 2009
Tuesday, January 3, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment