Monday, September 13, 2010

chapter:4 PAKIKIPAGSAGUPA SA UNOS

humahakbang parin kami ngayon. o mas ako. o maaari ding mas siya. binigla kami ng unos. sinalakay kami ng walang kalaban laban. sinalag ko naman. hiniling ang kanyang pagkapit. ngunit tuluyan paring tumigil ang pagbubuo ng aking mundo.

unti unti kaming bumabalik. o mas ako. o maaring mas siya. at sa puntong ito, pinipigil ko parin ang pag iyak. pinipilit ko paring humakbang. hanggang kung saan man aabutin.

Tuesday, May 18, 2010

Krupskaya


For her part, Krupskaya no doubt thought that she opposed the "bourgeois" concept of marriage, and was obliged to free her husband when he wished. But it could not have been easy for her. Surely Krupskaya, who secretly kept the wedding ring that she could not wear (because of the inverted prudery of her set), regarded marriage — and especially her own marriage — with a lot more reverence than many non-radical women. She never expressed approval of any alternative to monogamy, and most certainly never followed Inessa Armand and Alexandra Kollontai in advocating "free love". Quite apart from her ideology, Nadezhda Krupskaya was a child of the Victorian middle class when it came to sexual conduct.

Monday, May 17, 2010

dekalidad na tibok

dekalidad na tibok
kailanman, hindi kinikilala ng puso ang kaledaryo at relo|walang araw, oras, minuto o sigundo ang pagmamahal | walang bilis o bagal | walang iksi o tagal | ang tanging magtatakda nito ay ang kahandaang bitawan ang pansalag | ang pagbubukas sa sarili sa mga bala ng kontradiksyon | ang pagaalay sa sarili bilang target ng pagkatuto | hindi kailangang alamin kung kailan pumintig at umamin | kailangan lamang kilalanin ang kabuuan ng sarili at kabuuan ng pagibig | ang kritikal at analitikal na paggana at pagpapunlad ng emosyon | walang masama sa pagbibilang ng buwan o taon | ngunit kailangang suriin ang kalidad ng mga araw na binilang | ito ba'y pinilit pahinugin ng relo o ninais na pahabain lamang ng kalendaryo

*hahaha lumang luma ngunit naayon parin

Tuesday, May 11, 2010

5 reasons why my heart is breaking today

1. nanay's high blood pressure

2. boss maite's last day

3. a box of sympathy milk :(

4. i only voted 2 senators. and they didnt make it on the top 12

5. no time for iron man

Wednesday, April 28, 2010

G

Kinapos ang timbangan
Sa pagsusukat ng iyong kapararakan
Walong beses na nagpasko
Hindi man lang naramdaman ang pagasenso

Sumipol ang tikbalang
Buntot ay nagsikampayan
Tumalilis ng takbo
Nang itinutok na ang gatilyo

Lumambot ang daan
Yabag ay di mabilang
Ngunit nang humingi ng despensa
Napurnada muli ang EDSA

Pundilyo mo'y nangitim
Hindi maitago ang patalim
Hindi man diretang sakalin
Pinarami mo ang bilang ng ililibing


Jan 2009