Thursday, January 5, 2012

lasing si madam

alam mong umiibig kang muli, kapag naramdaman mong lumalabo ang paligid, at unti unting nawawala ang iyong paningin. ganun talaga nakakabulag ang pagibig.
at kapag nawawala na din ang iyong mga senses, pandinig,panlasa at pandama hanggang sa common sense. ang pinipili mo nalang gumana ay ang iyong pagkilala sa kilig at lahat ng masaya. mas madumi pa sa pulitika ang pagibig. mas mabaho, mas nakakasuka pero wala kang magagawa dahil tulad ng mga pulitiko kaya ka nitong paikutin. kaya kang bolahin. bandang huli kapag ninakaw na nito ang yamang pang-isipan, uuwi kang lugi at talunan. hindi ako hater ng pag ibig. mahal ko ang konsepto ng pagibig. pero sawang sawa nako sa mga love quotes at love shit na yan. nagsasawa nakong maniwalang ang pag ibig ay isang paraiso. dahil hindi. masakit, mahirap pero ika nga ng isang kaibigan, its a good pain. masarap parin magmahal. o lasing lang ako ngayong gabi

No comments:

Post a Comment