Ang pinagmulan ng tanong
ika-apat na bigwas ng tamis
ika-apat na linggo ng kirot
pagkalagas ng balahibo
pag agos ng likidong pulso
pagkukubli sa likod ng dahong lanta
paghiga sa mga basag na talata
kinumutan ang buong katawan ng tawa
ngunit hindi manakaw ang kupita
hari sa iyong kaharian
litrato mo'y pilit binabalikan
bahagharing iisa ang kulay
bulaklak na walang tangkay
ika-apat na pagtiklop ng buto
ika-apat, ika-lima,
ika-anim na tanong kung kailan hihinto
JUNE 14 2008
Thursday, January 5, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment