Thursday, January 5, 2012

dahil wala namang nagbabasa

dahil wala namang nagbabasa


Maari kong aminin sayo ang lahat. Maaring ikwento ang muli, kaguluhan ng aking mundo. Pwede ring kaginhawaan sa pag piglas sa dating mundo. Maaring nalulungkot ako. Maaring nanghihinayang. Pero pwede ring hindi lang mapakali. Pwedeng gusto lang damahin ang samu't saring pakiramdam. Maaring hindi lang inaasahan. Pero pwedeng hindi lang talaga napagplanuhan. Maaring handa naman talaga ako. Pero matagal lang bago natuto. Kaya siguro hindi masyado masakit. Kaya siguro wala masyadong hinanakit. Maaring sa umpisa pa lang alam ko na ang mangyayari. Pero pwede ring umibig lang talaga ng matindi

No comments:

Post a Comment