Sa panahon ng kalungkutan
Nakakalimutan kita
Ang pagkapit sa sumpaan
Ang mga tamis at pagmamahalan
Sa panahon ng kalungkutan
Natatahimik sa kawalang pakialam
Hinahanap ang wala
Sa atin, sa iyo
Ang mga pagkukulang
Hindi ko pa mahingi ang kapatawaran
Hindi pa sumasagi
Ang tamang paraan
Bawasan mo ang bigat
Mahal ko, bawasan mo
Hukayin mo ako sa pighati
Buhatin mo muli ang aking ngiti
Sa panahon ng kalungkutan
Kinalimutan ko ang lahat:
Na ikaw ang huli, ikaw at ako
Ikaw muli, ikaw at ako, tayo
Wednesday, July 6, 2016
Subscribe to:
Posts (Atom)

