Tuesday, January 3, 2012

walang katagang makakapaglarawan sa pighati

nakakapangilabot ang kalungkutan
kinuntyaba pa ang lamig sa gabi
wari ayaw pahingahin ang hinahapong puso
pinaparamdam ang tila nyebeng pananabik

walang katagang makakapaglarawan sa pighati
isang daang porsentong dinudurog ang sarili
sa paghahanda ng pananatili
diwa ko'y napuno ng iyong ngiti

binabangungut ng matatamis na alaala
pinaparusahan marahil ang lapastangang dila
hindi mapatotohanan ang kutob
binubulabog ang dikta ng dapat na pagkilos

Aug 9 2009

SORRY

Binaboy kita, maraming binura, maraming binago. Sorry. Akala ko lang makakatulong. Patawad.

Sa aking blog, mabubuhay ka muli ng puno ng katotohanan.

Thursday, March 24, 2011

party like its the end of the world!!

daming nagyayari sa mundo lately.. tsunami, gera sa libya,sunod sunod na lindol, impeachment sa kongreso, di matapos tapos na mga hiring sa senado..

is this a sign? magugunaw na nga ba ang mundo..
if it is, then lets celebrate each day with a bang,, lets party!!!!!!!!!

Monday, September 13, 2010

chapter:4 PAKIKIPAGSAGUPA SA UNOS

humahakbang parin kami ngayon. o mas ako. o maaari ding mas siya. binigla kami ng unos. sinalakay kami ng walang kalaban laban. sinalag ko naman. hiniling ang kanyang pagkapit. ngunit tuluyan paring tumigil ang pagbubuo ng aking mundo.

unti unti kaming bumabalik. o mas ako. o maaring mas siya. at sa puntong ito, pinipigil ko parin ang pag iyak. pinipilit ko paring humakbang. hanggang kung saan man aabutin.

Tuesday, May 18, 2010

Krupskaya


For her part, Krupskaya no doubt thought that she opposed the "bourgeois" concept of marriage, and was obliged to free her husband when he wished. But it could not have been easy for her. Surely Krupskaya, who secretly kept the wedding ring that she could not wear (because of the inverted prudery of her set), regarded marriage — and especially her own marriage — with a lot more reverence than many non-radical women. She never expressed approval of any alternative to monogamy, and most certainly never followed Inessa Armand and Alexandra Kollontai in advocating "free love". Quite apart from her ideology, Nadezhda Krupskaya was a child of the Victorian middle class when it came to sexual conduct.

Monday, May 17, 2010

dekalidad na tibok

dekalidad na tibok
kailanman, hindi kinikilala ng puso ang kaledaryo at relo|walang araw, oras, minuto o sigundo ang pagmamahal | walang bilis o bagal | walang iksi o tagal | ang tanging magtatakda nito ay ang kahandaang bitawan ang pansalag | ang pagbubukas sa sarili sa mga bala ng kontradiksyon | ang pagaalay sa sarili bilang target ng pagkatuto | hindi kailangang alamin kung kailan pumintig at umamin | kailangan lamang kilalanin ang kabuuan ng sarili at kabuuan ng pagibig | ang kritikal at analitikal na paggana at pagpapunlad ng emosyon | walang masama sa pagbibilang ng buwan o taon | ngunit kailangang suriin ang kalidad ng mga araw na binilang | ito ba'y pinilit pahinugin ng relo o ninais na pahabain lamang ng kalendaryo

*hahaha lumang luma ngunit naayon parin

Tuesday, May 11, 2010

5 reasons why my heart is breaking today

1. nanay's high blood pressure

2. boss maite's last day

3. a box of sympathy milk :(

4. i only voted 2 senators. and they didnt make it on the top 12

5. no time for iron man