dekalidad na tibok
kailanman, hindi kinikilala ng puso ang kaledaryo at relo|walang araw, oras, minuto o sigundo ang pagmamahal | walang bilis o bagal | walang iksi o tagal | ang tanging magtatakda nito ay ang kahandaang bitawan ang pansalag | ang pagbubukas sa sarili sa mga bala ng kontradiksyon | ang pagaalay sa sarili bilang target ng pagkatuto | hindi kailangang alamin kung kailan pumintig at umamin | kailangan lamang kilalanin ang kabuuan ng sarili at kabuuan ng pagibig | ang kritikal at analitikal na paggana at pagpapunlad ng emosyon | walang masama sa pagbibilang ng buwan o taon | ngunit kailangang suriin ang kalidad ng mga araw na binilang | ito ba'y pinilit pahinugin ng relo o ninais na pahabain lamang ng kalendaryo
*hahaha lumang luma ngunit naayon parin
Monday, May 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment