Wednesday, April 28, 2010

G

Kinapos ang timbangan
Sa pagsusukat ng iyong kapararakan
Walong beses na nagpasko
Hindi man lang naramdaman ang pagasenso

Sumipol ang tikbalang
Buntot ay nagsikampayan
Tumalilis ng takbo
Nang itinutok na ang gatilyo

Lumambot ang daan
Yabag ay di mabilang
Ngunit nang humingi ng despensa
Napurnada muli ang EDSA

Pundilyo mo'y nangitim
Hindi maitago ang patalim
Hindi man diretang sakalin
Pinarami mo ang bilang ng ililibing


Jan 2009

No comments:

Post a Comment