ngayon ako mas naapektuhan sa salantang naidulot ng nakaraang bagyong ondoy.
nakakapangilabot at nakakapanghina ang mga narinig kong kwento mula sa mga taong nakaranas mismo ng pagbaha at pagkabahala sa magiging pinsala sa kanilang mga tahanan.
lalo narin sa mga imaheng ngayon ko lang nakita at mga videos na ngayon ko lang nasaksihan. nakakaramdam ako ng pagkaguilty, hindi ko alam, marahil dahil sa hindi ko naramdaman ang bagyo. na tila tinakasan ko ang bagsik nito. na hindi man lang ako naapektuhan habang nangyayari ito. na isa rin ako sa responsable sa ganitong klaseng kalamidad. na kahit ako nakakalimutang alagaan ang mundo.
nagiisip ako ngayon ng maaring gawin para makatulong. naghahanap ng paraan hindi para pagaanin ang nararamdaman kung hindi maibahagi man lamang ang lakas at kakayanang para sa mga kababayan.
Monday, September 28, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment