Wednesday, September 2, 2009

ANG PABORITONG TAYA

Ilang anino pa ba ang magiging bida
Sa koleksyon ng iyong donya
Ilang dila pa ba ang matatagpuan
Sa madilim na damuhan

Sukdulang masama sa iyo ang pula
At ultimomg mag inang tulog ay pinabulagtain
Pinagmalaki pa ang mga bangkay
Habang sa kamera'y nagkakakaway

Mga bala'y nagpista
Sa timog katagalugan,samar at Cordillera
Kapag walang maaninag na ibabandera
Mga alagang manok ang pinupunterya

Ika mo'y patas lang naman ang laban
Lahat nama'y may armas na tangan
Di na kinilala ang pulisya
At tila inari mo na ang hustisya

Ilan pa bang lata ang patutumbahin
Upang maialay na ang panglimang bituin
Ilan pa bang tinik ang luluksuhin
Upang sa Sona'y ikaw muli ang ihahain

No comments:

Post a Comment