Ang buod
patawad hindi ako si Maria Clara
at hindi rin ako ang iyong Sisa
ang ako ay ako
binuo ng hapdi at kirot na dulot ng mundo
hindi ng ika-ilang ikaw sa mundo
kundi ng ako at ng aking mundo
ng pait ng aking mundo
ng talim sa bawat pag hinto ng aking mundo
Bawat galos ko'y tanda ng katapangan
ang armas ko'y ang aking kabuuan
Ang pagwawagi sa bawat pagkatalo
tropeyo ko ang mga naiwang bakas
sa mga pader na nakapalibot sa iyo
anino ko'ng papayong sa iyong gunita
bangungut na gagala sa iyong alaala
Nakalimutan mo kasing basahin ang babala:
wag kang lalapit, di ako ang iyong kaakitakit na apoy,
hindi lang ako nakakapaso ng daliri
nakakasunog ako kahit na ng dugo
nagliliyab na ang huling hibla ng aking buhok
wag kang lalapit,
kahit ako'y takot sa sarili ko
walang tubig sa aking mundo
sabay lamang tayong magiging abo
Magliliyab, magiging abo
at maninikit hanggang maging sugat
sa lahat ng pakay na gawing buo
Humihingi ako ng tawad
mas matigas sa iyo ang akala mong nagkalat na bato
mas matatag,mas buo, mas solido
ang bungo na humihiwalay sa aking mukha at pagkatao
Disclaimer: di lahat ng makata ay siyang persona ng tula
june 16 2008
Monday, October 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment